Pagpapahusay ng mga Troop gamit ang mga Medal
Kapag naiangat mo na ang isang Troop sa Mythic, naitaas ito sa antas 20, at na-unlock ang lahat ng 3 Trait, maaari mo pa itong pagandahin sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng mga Medal.
Mahahanap mo ang screen ng Medal sa pamamagitan ng pagbukas sa Troop Menu, pagpili ng ganap na na-upgrade na Troop, pagpili sa Upgrade, at pagkatapos ay pagpili sa tab na Elite Level.

Pangkalahatang-ideya
Upang mapaganda ang isang Troop gamit ang mga Medal, dapat itong ganap na na-upgrade (Mythic na rarity, antas 20, at 3 Trait na naka-unlock).
Kapag nasa screen ng Medal, makikita mo sa kaliwa ang lahat ng Medal na pagmamay-ari mo at ang % na posibilidad na matagumpay na maisakripisyo ang mga ito para sa iyong Troop.
Maaari mong subukang magsakripisyo ng hanggang 3 Medal nang sabay-sabay. Ang mga Medal na may pinakamataas na posibilidad ay ang mga Medal na kapareho ng Base Rarity ng iyong Troop o mas mataas. Para mas madaling makita ang Base Rarity ng iyong Troop, nakasulat ito sa pinakailalim ng screen ng Medal.
Ang pagbibigay ng mga Medal ay nangangailangan ng mga Soul, at maisasakripisyo ang iyong mga Medal at Soul kahit matagumpay o hindi matagumpay ang pagtatangka.

Mga Antas ng Pagpapahusay
May 3 Antas ng Pagpapahusay: Bronze, Silver, at Gold. Habang mas mataas ang Antas ng Pagpapahusay ng isang Troop, mas mahirap itong pahusayin sa susunod na Antas.
Ang mga pinahusay na Troop ay magkakaroon ng espesyal na palamuti sa kanilang card, gaya ng makikita sa ibaba:

Nagbibigay ang mga pagpapahusay ng Skill Point ayon sa Role ng Troop at bilang ng mga Pagpapahusay. Makikita mo kung aling mga Skill Point ang ibibigay ng bawat antas ng pagpapahusay sa isang Troop sa pamamagitan ng pagbukas sa screen ng pag-upgrade ng Troop, pagpili sa Medal, at pagkatapos ay pagpili sa icon ng Role ng Troop sa itaas ng mga medal sa kanang bahagi ng screen.








