Laruin ang event na Raid Boss kasama ang iyong Guild upang pigilan si Zuul'Goth, ang Elder God, na makatakas mula sa mga Portal patungo sa mundo ng Krystara. Nagaganap ang Raid Boss isang beses bawat 3 linggo at isa itong kooperatibang event ng Guild. Gumawa ng pinakamaraming pinsala na kaya mo sa Raid Boss kasama ang iyong Guild upang isara ang mga Portal at makakuha ng mga Gantimpala.

Pangkalahatang-ideya

Mahahanap mo ang event na Raid Boss sa pamamagitan ng pagbukas ng menu ng Guild sa Mapa ng Mundo at pagpili sa Raid Boss.

Sa screen ng Pangkalahatang-ideya ng Raid Boss, makikita mo ang:

  • Ang kasalukuyang Raid Boss

  • Ang progreso ng iyong Guild

  • Ang pinsalang nagawa mo sa ngayon

  • Ilang Sigil ang mayroon ka

  • Ang Kahariang sinusubukang pasukin ng Raid Boss.

Ang layunin ng event ay pagsama-samahin ang mga Troop mula sa Kahariang sinusubukang pasukin ng Raid Boss: Samakatuwid, naka-lock ang iyong filter ng Troop upang gumamit ng mga Troop mula sa Kahariang nasa panganib.

Ang bawat labanan sa event na Raid Boss ay nagkakahalaga ng 1 Sigil upang laruin. Makakatanggap ang bawat manlalaro ng 4 na Sigil sa simula ng bawat araw (07:00AM GMT), at maaari kang makakuha ng higit pa sa pamamagitan ng pagtalo sa mga Valraven o pagbili ng mga ito sa Raid Boss Shop.


Labanan ang mga Minion at Mini-Boss

Bago mo makalaban si Zuul'Goth, kailangan mo munang talunin ang kanyang mga Minion at ang 2 Mini Boss sa unang 4 na yugto ng event. Indibidwal na nilalaro ang mga yugtong ito; hindi mo matutulungan ang iyong Guild na labanan si Zuul'Goth o makolekta ang mga Gantimpala sa Portal hangga't hindi mo natatapos ang unang 4 na yugto ng minion. Kapag natapos na, maaari mong kolektahin ang mga gantimpala sa pagtalo sa mga Minion sa tab na Mga Gantimpala.


Labanan si Zuul'Goth at isara ang mga portal

Kapag natalo mo na ang mga Minion, maaari mo nang labanan si Zuul'Goth. Ang layunin ay gumawa ng pinakamaraming pinsala na kaya mo sa kanya bago matapos ang event upang maisara ang pinakamaraming Portal hangga't maaari. Sa bawat pagtalo mo kay Zuul'Goth sa pamamagitan ng pagpanalo sa isang labanan, tumataas siya ng 5 Antas.

Habang gumagawa ka ng pinsala kay Zuul'Goth, magsasara ka ng mga Portal, na makikita sa tab na Mga Gantimpala - kung saan binibilang ang iyong pinsala bilang mga puntos o iskor. May 20 Portal na isasara, at dapat magtulungan ang iyong Guild upang maisara ang pinakamarami hangga't maaari. Sa bawat Portal na isasara mo, makakakolekta ang buong Guild mo ng mga gantimpala mula sa tab na Mga Gantimpala. Kung mayroon kang mga hindi nakolektang gantimpala kapag natapos ang event na Raid Boss, ipapadala ang mga ito sa iyong in-game mail.


Mga Troop ng Event na God Slayer

Isang bagong God Slayer ang ilalabas sa simula ng bawat event na Raid Boss. May mga espesyal na spell at katangian ang mga God Slayer na nagbibigay-daan sa kanilang gumawa ng MALAKING pinsala sa mga Raid Boss. Maaari kang bumili ng mga God Slayer sa Raid Boss Shop gamit ang Gems.


Pangkalahatang-ideya ng Menu

Raid Boss Shop

Sa Raid Boss Shop, maaari mong gamitin ang mga Gem upang bumili ng mga espesyal na pack ng Raid Boss na makatutulong sa iyong laban kay Zuul'Goth. Maaaring kabilang sa mga item ang:

  • Mga Kaluluwa upang pataasin ang antas ng iyong mga bagong Troop

  • Ginto

  • Mga Sigil

  • Mga Troop ng Event

  • Mga God Slayer

  • Mga espesyal na Sandata mula sa Kaharian ng event

  • Mga Traitstone upang i-upgrade ang iyong God Slayer

  • Mga Diyamante

  • Mga Ingot upang Taasan ang Antas ng iyong mga Sandata

Dapat bilhin nang sunod-sunod ang bawat Tier ng Shop; gayunpaman, maaaring bilhin ang Yugto VII (6) ng Raid Boss shop nang maraming beses hangga't gusto mo.

Tab ng Guild

Ipinapakita ng tab na Guild kung kumusta ang bawat miyembro ng iyong Guild sa event. Inaayos ang Roster ng Guild dito ayon sa pinakamataas na antas ng Boss at pinsalang ginawa sa Boss.

Leaderboard

Ipinapakita ng Leaderboard ang 100 manlalaro sa buong mundo para sa iyong Platform na may pinakamataas na antas ng Raid Boss at nagawa ang pinakamaraming pinsala sa kasalukuyang event na Raid Boss. Makakatanggap ng karagdagang gantimpala ang mga manlalaro sa Top 100 kapag natapos ang event. Makikita mo rin dito kung paano ka maihahambing sa iba pang miyembro ng komunidad.


Mga Tip

  • Maiipon ang mga Sigil araw-araw sa panahon ng event. Makakakuha ka ng 4 bawat araw; gayunpaman, hindi sila madadala sa susunod na event, kaya tiyaking gamitin ang mga ito bago ang Lingguhang Pag-reset

  • Kung gusto mong gumastos ng pinakamaliit na Gem hangga't maaari, subukang bilhin ang kahit man lang Tier III upang makuha mo ang pinakamataas na pinsalang posible gamit ang Event Weapon at God Slayer Troop

  • Subukang talunin ang Raid Boss sa lalong madaling panahon at asikasuhin ang iba pang 3 Troop kapag natalo na ang Raid Boss

  • Isaalang-alang ang paggamit ng mga Sandata na nag-aalis ng lahat ng armor upang mas mabilis na matalo ang Raid Boss, tulad ng Mang o Fleshripper

  • Tandaan na immune si Zuul'Goth sa lahat ng status effect, kaya piliin ang mga Troop na nagbibigay ng mataas na pinsala kaysa sa mga naglalagay ng status effect.

Nakatulong ba ito?